NEW YEAR’S RESOLUTIONS 2013

Is it too late to make New Year’s resolutions? Cause I just thought of some last weekend while I was burning 30gb worth of files.

1) Get a passport, dammit. I swear, kikitlin na ni Celine ang aming pagkakaibigan if I don’t get one pa by this year. I think preferably during the second quarter or half of the year. LOL.
2) Finish those dramas that I started during the past years. Ano ba, naunahan na ko ng lahat sa pagtapos ng The Moon Embraces The Sun!  I still have 6 episodes left! (At utang na loob, 99 gb sila sa external ko!)
3) Reduce my to-watch movies by at least half. So far eh 48 gb sila sa C, D at external HD ko. Shet, ilang “new movies” folder ba ang kelangan ko sa laptop ko?!
4) Learn a foreign language / how to do sign language. (From last year’s list XD) Or kahit Ilokano para hindi ko lang tinititigan si kuyang jeepney driver when he says something in Ilokano. At ano ba, Ilokano ang lolo ko (Farinas po ako ^^) so dapat marunong ako nyan! 🙂
5) Learn how to play the guitar. (Isa pa to.)
6) Climb a mountain. (I think this will come true this year. Mt. Pulag, here I come!)
7) Blog more. I miss blogging and it’s because of you, Tumblr XD Well, I created a blogger account this year because of that bogus news about Multiply closing. (na hindi naman dahil andun pa rin lahat ng journals at photo album ko. SHET.) so I hope I could nobela a lot this year. ^^
8) Go to a fast food restaurant only once a week. (Shet, mahirap to!Pero parang di ko kaya i-sacrifice yung iced coffee at coffee float ng McDo.)

Ayun lang naman.  Wala na kong maisip. Feeling ko naman ok lang kumain at matulog ng sapat dahil nagtatrabaho naman ako ng maayos at dapat lang yon para hindi laging pagod. LOL. Sana ay maging mabait ang 2013 saken. Happy New Year! ^^ (Late greeting is late XD)

Talk to me~